New Year Greetings From P-Noy |
President Aquino said that economic development is now evident after treading the straight path, fighting against corruption and making efforts for poverty alleviation, since he took office one and a half years ago. He thanked the public for supporting the government towards reforming the system of governance.
P-Noy added that reforms will not only continue in 2012 but changes will also take effect faster.
Here's the transcript of P-Noy's New Year message:
Sa mahigit isa't kalahating taon nang pagbagtas natin sa tuwid na landas, nakikita na natin ang pagbangon ng bansa, mula sa malubhang katiwalian at kahirapan.
Unti-unti na po tayong nagtatagumpay laban sa mga problemang ating dinatnan.
Ikumpara po natin ang kasalukuyan sa mga panahong lumipas.
Gaano man po katindi ang pagpipilit na magtanim ng agam-agam sa ating isipan, wala naman po sigurong makakapag-dudang nagbago na talaga ang Pilipinas.
Ngayon po, ibinabalik na natin ang piring ng katarungan. Ang kaunlaran ay natatamasa hindi lamang ng mayaman at makapangyarihan, ramdam na rin ng mas nakakarami nating kababayan.
Nakikita naman po natin ang bunga ng ating ipinunlang mga reporma: may maalab na sigla at pag-asa, mataas na kumpiyansa, at malawak at mas maraming mga oportunidad sa bansa.
Ang taon na papasok ay hindi lamang pagpapatuloy ng ating naumpisahang mga reporma, ngunit ng mas mabilis pang pagbabago.
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pagtitiwala. Manalig po kayong hindi kailanman kukupas ang matingkad nating hangarin na umasenso ang Pilipinas at ang mga Pilipino.
Hindi tayo patitisod sa nais pa ring umagrabyado sa mga Pilipino. Sa bayanihan ng ating pamahalaan at mamamayan, wala pong makakahadlang sa ating pag-angat at sa tuloy-tuloy na katuparan ng ating mga pangarap.
Magpasalamat at bigyang-halaga po sana natin ang mga grasya ng Panginoon ngayong taon.
Hangad ko pong makatamasa pa ng maraming biyaya at tagumpay ang mas nakakaraming pamilyang Pilipino.
Isang masaganang bagong taon po sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment